3 MAGSASAKA PINAULANAN NG BALA

AGUSAN DEL SUR – Malubhang nasugatan ang tatlong magsasaka matapos ratratin ng hindi kilalang mga suspek habang magkakaangkas sa motorsiklo sa Purok Brazil, Barangay Sta. Maria, sa bayan ng Trento, sa lalawigan noong Biyernes ng madaling araw.

Kinilala ng Agusan del Sur Police Provincial Office ang mga biktima na sina Tyson Havana Tayao, 26; Adam Paulo Bondia, 29, at isang alyas “Otto Tomboy”.

Batay sa report ng Trento Municipal Police Office, magkakaangkas ang tatlo sa motorsiklo na minamaneho ni Tayao ngunit hinarang ng dalawang suspek at sila ay pinagbabaril.

Masusing iniimbestigahan ng mga awtoridad ang insidente.

(NILOU DEL CARMEN)

136

Related posts

Leave a Comment