BATA NALUNOD SA POOL

CAVITE – Nalunod ang isang 8-anyos na batang lalaki sa pool sa isang isang resort habang naliligo kasama ng nakatatandang kapatid sa Bacoor City noong Sabado ng umaga.

Dinala pa sa St. Dominic Medical Center ang biktimang si alyas “Karl”, elementary student, ngunit binawian ng buhay habang nilalapatan ng lunas.

Ayon sa ulat, dakong alas-7:30 ng umaga nang dumalo sa family reunion ang pamilya ng biktima sa Luna Amore Resort sa Brgy. Ligas 1, Bacoor City.

Napag-alaman, kararating pa lamang nila sa lugar ay kaagad umanong lumusong sa pool ang biktima at ang kapatid nito ngunit sa kasamaang palad ay nalunod si Karl.

(SIGFRED ADSUARA)

144

Related posts

Leave a Comment