3 SUGATAN SA KARAMBOLA NG 3 SASAKYAN

TATLO ang sugatan nang mawalan ng preno ang isang pampasaherong jeep na bumangga sa isang taxi at motorsiklo hanggang sa bumangga sa poste sa tapat ng Manila City Hall sa Padre Burgos Street, Ermita, Manila noong Huwebes ng Umaga.

Sugatan sa insidente ang dalawang pasahero ng jeep gayundin ang driver nito na si Jonathan Pedrosa La Torre, nasa hustong gulang.

Batay sa ulat ni Police Corporal Rustom Arcyll De Guzman kay Police Major Jaime Gonzales, hepe ng Investigation Section ng Manila District Enforcement Unit (MDEU), bandang alas-9:40 ng umaga nang mawalan ng preno ang jeep at bumangga sa Yamaha Mio 125 na minamaneho ng isang Jaypee Ramos.

Nagtuloy-tuloy pa ang pagewang-gewang na sasakyan hanggang sa mabundol ang isang taxi na minamaneho ni Ren Dexter Gabriel.

Bunsod nito, napilitan na lamang ng driver na ibangga ang jeep sa poste sa northbound lane ng Padre Burgos Street sa harap ng Manila City Hall.

Nahaharap ang driver ng jeep sa kasong serious physical injuries and damage to properties.

(RENE CRISOSTOMO)

 

146

Related posts

Leave a Comment