5 SWAK SA SELDA SA CARA Y CRUZ

SWAK sa selda ng Manila Police District – Delpan Police Station 12 , ang limang kalalakihan makaraang maaktuhan habang nagsusugal ng cara y cruz, at isa sa kanila ang nakumpiskahan ng isang baril sa

Gate 3, Parola Compound, Barangay 20, Tondo, Manila nitong Linggo ng madaling Araw

Nahaharap sa kasong paglabag sa Presidential Decree 1602 ang natimbog na mga suspek, habang may dagdag na kasong illegal possession of firearms ang suspek na si alyas “Randy”, 36-anyos.

Ayon sa ulat ni Police Staff Sergeant Jess Sauza, nagsagawa ang kanyang mga tauhan ng “Oplan Galugad ” bandang alas-3:10 ng madaling araw at namataan ang mga kalalakihang nag-uumpukan.

Nang sitahin ng mga awtoridad ay nagpulasan ang mga ito ngunit nasukol ang walo sa kanila kabilang ang isang nakumpiskahan ng 357 kalibre ng baril.

(RENE CRISOSTOMO)

75

Related posts

Leave a Comment