8 NASAGIP SA LUMUBOG NA BARGE SA QUEZON

QUEZON – Walong tripul1ante ng lumubog na sea vessel ang nailigtas ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard sa bayan ng Mauban sa lalawigan sa kasagsagan ng pananalasa ng Bagyong Aghon noong Linggo.

Ayon sa report ng PCG Mauban Sub-station, naka-angkla sa Mauban Port sa Brgy. Daungan ang barge na M-tug ASC Mighty na pag-aari ng Asian Shipping Corp. nang hambalusin ito ng malalaking alon dakong ala-1:00 ng hapon.

Unti-unting lumubog ang barge habang agad namang nagresponde ang mga tauhan ng PCG at nasagip ang walong tripulante na sakay nito.

Napag-alaman na patungo Rio Tuba sa Palawan ang barge ngunit pansamantalang tumabi, habang may kargang nasa 9,707.13 tonelada ng nickel, sa Mauban port para magpalipas ng sama ng panahon dala ng bagyong Aghon. (NILOU DEL CARMEN)

121

Related posts

Leave a Comment