9 TIMBOG SA ILLEGAL RECRUITMENT SA CEBU

CEBU – Natimbog sa ikinasang entrapment operation ng mga operatiba ng National Bureau of Investigation Regional Office 7, ang siyam katao na sangkot umano sa illegal recruitment scheme, sa Talisay City.

Ayon sa NBI, modus ng mga suspek na mag-recruit ng workers para sa un-existing na trabaho sa abroad, partikular sa Australia kung saan ang mga aplikante ay magtatrabaho umano bilang farm workers sa mango at coconut plantation.

Ayon sa NBI, nagsimulang mag-recruit ang grupo noong pang nakaraang mga taon sa mga bayan at lungsod sa Cebu.

At bilang proseso ng recruitment, nagsagawa ang mga ito ng ng orientation seminars at ang participants ay kinolektahan ng pera para sa entrance fee, orientation fee, registration fee, blogging fee at t-shirts.

Ayon sa isa sa mga complainant, bahagi ng orientation ay pagsuotin sila ng malapad na sumbrero at magpapakilala sa pamamagitan ng script na isinulat ng mga suspek habang nakaharap sa camera at sasabihin ang kanilang mga experience bilang matagumpay na farmer sa Pilipinas para ma-qualify sa trabaho sa abroad.

Naka-record umano ang video at ipadadala sa employer sa Australia.

Ayon sa NBI, noong Setyembre 2023 nagsimulang maghain ng reklamo ang mga sumailalim sa orientation matapos na wala namang nakaalis patungo sa abroad.

Sa pagsisiyasat ng NBI, nabatid na kabilang sa mga lugar kung saan nagsagawa umano ang mga suspek ng orientation ay sa mga bayan ng Astorias, Tuburan, Balamban sa Cebu, sa  Lapu Lapu  City at pinakahuli ay sa Talisay City kung saan na-entrap ang mga ito ng NBI.

Kasama sa naaresto ang masterming na si Alice Dumdum Rondez, at ang mga kasabwat nito na sina Cristina Arcilla, cashier, at staff na sina Glenard Musngi, Leon Alegado, Elisa Tonacao, Lemuel Ahito, Levert Fuentes, Librada Jumanguin,  at Jocelyn Resaba.

Sinampahan ng NBI ang mga suspek ng kasong illegal recruitment and estafa. (NILOU DEL CARMEN)

86

Related posts

Leave a Comment