SENIOR CITIZEN TINODAS HABANG NAGKAKAPE

LAGUNA – Patay ang isang senior citizen makaraang pagbabarilin habang nagkakape sa kanilang compound sa Brgy. 7-B, San Pablo City noong Huwebes ng umaga.

Idineklarang dead on arrival sa San Pablo City District Hospital ang biktimang si Antonio Ontangco Daquil, 67-anyos, isang vendor.

Ayon sa report ng San Pablo City Police, dakong alas 4:30 ng umaga, humihigop ng kape sa labas ng kanilang bahay ang biktima nang biglang pumasok sa compound ang suspek.

Agad nitong pinaputukan nang sunod-sunod ang hindi na nakakilos na biktima saka mabilis na tumakas.

Natadtad ng tama ng bala ang biktima na hindi umabot nang buhay sa ospital.

Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya at tinutukoy ang posibleng motibo sa krimen at kung sino ang suspek. (NILOU DEL CARMEN)

72

Related posts

Leave a Comment