ABUEVA ‘DI NAGPAAWAT, PHOENIX 7-1 NA

pba1

(NI VIRGI T. ROMANO/PHOTO BY MJ ROMERO)

 

HINDI naawat si Calvin Abueva nang magtala ng double-double para pangunahan ang Phoenix sa 94-80 win laban sa kanyang dating koponang Alaska, Biyernes sa PBA Philippine Cup sa Mall of Asia Arena.

Tumabo si Abueva ng team-high 21 points at 16 rebounds sa paghablot ng Phoenix sa ikalawang sunod na panalo at umangat sa 7-1 at tumabla sa Rain or Shine sa unahan ng team standings.

Pero, hindi nag-iisa si Abueva sa pagbuhat sa Fuel Masters, katulong niya si Matthew Wright na nag-ambag ng 20 points, gayundi si RJ Jazul na may 18 markers, habang si Justin Chua ay nagdeliber ng 11 points, 6 rebounds at 3 blocks sa panalo ng Phoenix.

Laglan naman sa 2-2 win-loss card ang Alaska, na pinamunuan ni Jeron Teng na may 23 points at 9 boards.

Hindi pa rin nakakalaro sina Aces Vic Manuel, Kevin Racal at JVee Casio na may mga injury. (VTROMANO)

84

Related posts

Leave a Comment