ALERT LEVEL NG BULKANG TAAL IBINABA

MULA sa Alert Level 2 ay ibinaba na sa Alert Level 1 ang Bulkang Taal.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), ito ay dahil sa paghupa ng mga aktibidad ng bulkan.

Ayon sa PHIVOLCS, ang kondisyon ng Taal sa nakalipas na dalawang buwan ay maituturing nang baseline volcanic earthquake activity.

Bukod dito, naging maayos na rin ang pamamaga ng bulkan at humina ang degassing nito.

Sa kabila nito, patuloy na pinagbabawal ang pagpasok sa Taal Volcano Island. (CYRILL QUILO)

63

Related posts

Leave a Comment