ALYAS KULOT TIMBOG SA P11.9-M SHABU

NASADLAK sa likod na rehas na bakal ang isang 26-anyos na hinihinalang tulak ng ilegal na droga makaraang madakip sa ikinasang buy-bust operation ng mga tauhan ng Station Drug Enforcement Section (SDET) ng Manila Police District – Barbosa Police Station 14, sa Quezon Boulevard, Quiapo, Manila.

Kinilala ang suspek na si Salahudin Baumal y Ibra, alyas “Kulot”, binata, at residente ng Barangay Rosario, Pasig City, nakumpiskahan ng 1,750 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang P11,900,000 ang halaga.

Base sa ulat ni Police Lieutenant Colonel Roberto Mupas, station commander, bandang alas-2:50 ng hapon nang ikasa ang buy-bust operation sa isang silid ng Balay sa Ciudad sa Barangay 391 sa Quiapo.

Sa pangunguna ni Police Major Gil John Lobaton, hepe ng SDET, isinagawa ang operasyon na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek.

Ang suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (RENE CRISOSTOMO)

123

Related posts

Leave a Comment