‘PULIS’ INARESTO SA PANGINGIKIL

CAVITE – Arestado ang isang lalaking nagpakilalang pulis makaraang kikilan ng buwanang allowance ang may-ari ng heavy equipment kapalit ng pagbabantay nito sa bayan ng Silang sa lalawigan, noong Linggo ng madaling araw.

Nahaharap sa kasong usurpation of authority at paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act ang suspek na si alyas “Ronaldo”, 51, dahil sa reklamo ni alyas “Romy”, may-ari ng isang motorpool kung saan nakalagay ang heavy equipment.

Sa reklamo ng biktima, nagpakilala ang suspek na isang miyembro ng Philippine National Police (PNP) at humihingi ng buwanang allowance para sa pagbabatay nito sa kanyang motorpool kung saan nakalagay ang kanyang heavy equipment sa Brgy. Biga 2, Silang, Cavite.

Subalit nagduda ang biktima kaya nagsumbong ito sa pulisya na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek na nakumpiskahan ng .45 kalibreng baril, tatlong bala at uniporme ng pulis.

(SIGFRED ADSUARA)

109

Related posts

Leave a Comment