Bunga ng aksyon ni PBBM kontra hoarding PRESYO NG ASUKAL POSIBLENG BUMABA SA P60/K

MAAARI pang bumagsak sa P60 ang presyo ng kada kilo ng asukal sa mga pamilihan ngayong linggo.

Ayon kay Department of Agriculture Senior Undersecretary Domingo Panganiban, ito ay dahil posibleng maimpluwensyahan ng murang asukal sa mga supermarket ang bentahan sa mga palengke.

Una nang ibinaba ng ilang malalaking supermarket ang presyo ng kanilang asukal sa P70 kada kilo mula sa kasalukuyang P100 hanggang P115 sa mga pamilihan.
Tiwala rin si Panganiban na makatutulong ang ginagawang pagsalakay ng Bureau of Customs sa mga bodega na hinihinalaang sangkot sa hoarding at smuggling upang mapalabas ang suplay ng asukal sa bansa.

Sa mababang kapulungan ng Kongreso, pinuri ang determinasyon ni Pangulong Marcos na buwagin ang sugar hoarders na naging daan para bumaba ang presyo ng asukal sa merkado.
“This was achieved without any importation even of a single kilo of sugar and without sacrificing the welfare of our local farmers, but by the decisive action of PBBM,” ani Kabayan party-list Rep. Ron Salo.

Malaki ang hinala ng Palasyo na artificial ang kakulangan sa suplay ng asukal matapos ang serye ng inspeksyon sa ilang bodega sa Pampanga at Bulacan kung saan natuklasan ang sangkaterbang asukal.

Nitong weekend, inanunsyo ng Palasyo ang pagbaba ng presyo ng asukal matapos makipag-usap si Executive Secretary Victor Rodriguez sa malalaking supermarket owners, tulad ng SM Supermarket, Robinsons Supermarket, at Puregold Supermarket, base na rin sa kautusan ni Pangulong Marcos Jr.

“The President lauded the selfless response from these businessmen who are sacrificing not just their own inventory but also their projected business profits for the sake of the ordinary Filipinos at this time when the country is besieged by many problems,” ani Rodriguez.

“This is a classic display of the indomitable Filipino spirit of ‘bayanihan’ and love of country,” wika pa niya. Sinabi ni Rodriguez na ang SM stores ay nangakong ang segundang asukal (washed sugar) ay ibebenta ng P70, gayundin ang Robinsons Supermarket na magbabagsak ng isang milyong kilo ng asukal na ibebenta rin ng P70 kada kilo sa Metro Manila.
“Puregold likewise committed to make available 2 million kilos of refined sugar at P70 per kilo. This will give ordinary Filipinos access to cheaper sugar with more than 3 million kilos available in the market next week,” sabi pa ni Rodriguez.

Upang matiyak na maraming ‘consumers’ ang makabibili ng murang asukal, sinabi ni Rodriguez na babantayan ng Department of Trade and Industry (DTI) ang bawat merkado upang maiwasan din ang posibleng ‘household hoarding’ ng ilang nangangalakal na mamimili.

Kamakailan ay nakipagpulong ang Pangulong Marcos sa mga miyembro ng Philippine Chamber of Food Manufacturers, Inc. (PCFMI) para pag-usapan ang problema sa kakulangan ng supply ng asukal sa bansa.

Ang PCFMI ay principal organization ng manufacturers and distributors ng food products sa bansa. Responsable sila sa pagbibigay sa mga mamimili ng ligtas, masustansya at murang processed food products alinsunod sa local and international standards and regulations.

“Hopefully, we can get some concessions with the traders so that at least the pricing will be reasonable. The concern is the supply right now. I’ll make sure that there is sufficient supply in the country so that you can operate at full capacity,” sabi ni Marcos.

Plano rin ng Pangulong Marcos ang direct importation ng food manufacturers bilang bahagi ng ’emergency measures’ sa pagtugon sa kasalukuyang pangangailangan ng industriya. Kailangan lang nito ng approval ng Sugar Regulatory

12

Related posts

Leave a Comment