CADC IMPLEMENTATION WALANG KAUGNAYAN SA PAGHAHANDA NG CHINA ARMED FORCES – DND

NILINAW ng Department of National Defense na walang kaugnayan sa lumabas na ulat hinggil sa paghahanda ng China para sa posibleng paglala ng maritime dispute, ang inilabas na policy statement ng kagawaran hinggil sa implementasyon ng Comprehensive Archipelagic Defense Concept (CADC).

Nabatid na sinimulan na ng DND at Armed Forces of the Philippine ang pagpapatupad ng kanilang CADC.

“In plain language, we are developing our capability to protect and secure our entire territory and Exclusive Economic Zone (EEZ) in order to ensure that our people and all the generations of Filipinos to come shall freely reap and enjoy the bounties of the natural resources that are rightfully ours within our domain,” ayon sa inilabas na statement kahapon ni DND Secretary Gilberto Teodoro.

Sinabi pa ni Sec. Teodoro, “Binibigyang-diin ko na ito ay isang estratehikong aksyon at hindi na mangangailangan ng patuloy na mga direktiba upang maisakatuparan. Kaya’t hinihimok ko ang ating mga kumander at mga yunit sa AFP na gawin ang lahat ng pagsisikap na maisakatuparan ang CADC.

Nabatid sa ibinahaging ulat ng China Embassy sa Pilipinas, nauna nang naglabas ng kanyang panawagan si Chinese President Xi Jinping sa kanilang kasundaluhan na maghanda.

Pinaghahanda ni Chinese President Xi Jinping ang kanyang mga kasundaluhan laban sa anomang uri ng maritime conflict na posible umanong umusbong.

Ito ang iniatas ng Chinese President Xi sa kasundaluhan sa kasagsagan ng kanyang pakikipagpulong sa mga delegasyon ng armed forces ng China sa idinaos nitong National People’s Congress o China’s parliament.

Ang pahayag na ito ni Xi ay sa gitna ng kasalukuyang tensyon ng kanilang bansa laban sa Taiwan at Pilipinas.

Bukod dito, inatasan din ni Chinese President Xi na siya ring tumatayong chair ng Central Military Commission, ang Chinese military na mas palakasin pa ang kanilang strategic capabilities partikular na sa mga larangan ng cyberspace at outer space.

Gayundin ang pag-develop pa sa aerospace system ng China at pagbuo ng kanilang cyberspace defense system.

(JESSE KABEL RUIZ)

107

Related posts

Leave a Comment