CARWASH BOY PATAY SA PEDICAB DRIVER

PATAY ang isang 21-anyos na carwash boy makaraang saksakin ng balisong sa leeg ng isang pedicab driver habang nag-iinuman sa Tondo, Manila noong Biyernes ng umaga.

Kinilala ang biktimang si Mervin Christian Bustilo, binata, empleyado sa carwash shop at residente ng Tondo, Manila.

Mabilis namang tumakas ang suspek na si alyas “Julius”, na armado ng balisong.

Batay sa ulat ni Police Captain Dennis Turla, hepe ng Manila Police District – Homicide Section, bandang alas ng 9:55 ng umaga nang tarakan ng suspek ang biktima nang magtalo ang mga ito habang nag-iinuman.

Agad isinugod ang biktima sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center ngunit nalagutan ng hininga habang nilalapatan ng lunas.

(RENE CRISOSTOMO)

150

Related posts

Leave a Comment