CAYETANO UMAPELA SA MGA MAMBABATAS UKOL SA PEOPLE’S INITIATIVE

“LET’S not burn the house down.”

Ito ang apela ni Senador Alan Peter Cayetano sa kanyang mga kasamahan sa House of Representatives at sa Senado nitong Biyernes sa gitna ng pagtatangka ng Kamara na amyendahan ang 1987 Constitution sa pamamagitan ng People’s Initiative (PI).

Sa isang panayam sa media pagkatapos ng groundbreaking ceremony ng mga bagong crime laboratories ng Philippine National Police kung saan siya ang guest speaker, sinabi ni Cayetano na kasing-halaga ng proseso ang resulta sa Charter amendment.

“What I learned in politics is simple — it’s not just the results but also the process of getting there. Hindi pwedeng ‘the end justifies the means.’ Hindi pwedeng ‘Eh mali ‘yon, patayin mo o sunugin mo.’ You’ll burn the House down [if you do that],” wika ng independent senator sa reporters sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City noong January 26, 2024.

Aniya, ang pangunahing dahilan kung bakit tahasan ang pagtanggi ng mga senador sa PI ay ang panukalang ‘joint voting’ ng Kamara at ng Senado sa pamamagitan ng Constituent Assembly.
Ayon sa kanya, ito ay “shortcut” sa isang napakahalagang proseso.

“Yung results kasi talaga ang nire-reach-out ng mga senador. Shino-short cut kasi yung proseso na vote jointly. Basically ang sinasabi mo, (dahil) hindi mo maconvince ang mga senador, i-abolish na lang natin sila,” wika niya.

“If sila (House) naman ang kinakapon, they will be reacting similarly. Kapag binaboy at mali ang proseso, mali na lahat ito,” dagdag niya.

Bilang abogado, nagbabala si Cayetano sa posibleng negatibong kahihinatnan ng pagtatangka ng Kamara para sa isang Constituent Assembly.

“Kapag pumasa itong proposal nila sa PI, mas madali pang baguhin ang Konstitusyon kaysa magpasa ng batas or to amend a law,” wika niya.

Sinabi rin ni Cayetano na ang 24 na senador, na noong Martes ay nagpahayag ng kanilang posisyon laban sa PI, ay hindi tumututol dito para lamang protektahan ang kanilang posisyon kundi para protektahan ang Senado bilang institusyon.

“The reality is that when you are at war, everything stops and you focus on survival. For the Senate this becomes a survival issue not just because we are protecting our position, but also the institution,” wika niya.

Kaya naman aniya, kailangan ng masinsinang pag-uusap sa pagitan ng Senado at Kongreso.

(DANNY BACOLOD)

98

Related posts

Leave a Comment