DALAGA PINAGTATAGA NG KAINUMAN NG AMA

HAWAK na ng mga awtoridad ang isang lalaki na responsable sa pananaga sa 22-anyos na anak ng kanyang kainuman, ilang oras matapos ang krimen sa bayan ng Sibagat sa Agusan Del Sur.

Ayon sa ulat, nadakip sa isinagawang follow-up operation ng Sibagat Municipal Police Station ang suspek na kinilalang si Ricky Abarquez, 34-anyos, may live-in partner, tubong Pagadian City.

Patay sa multiple hacked wound ang graduating student na si Rezalyn Salahay, solong anak ng lalaking kainuman ng suspek.
Nabatid na nangyari ang krimen noong Linggo sa loob mismo ng kanilang bahay sa Purok-4, Barangay Kulambogan, bayan ng Sibagat.

Ayon kay Police Capt. Joel Ablan, hepe ng Sibagat Municipal Police Station, bago ang pangyayari, masayang nag-inuman ang suspek na kalilipat lamang sa nasabing lugar, at ang ama ng biktima na nagdiriwang ng kanyang kaarawan kasama ang ilang bisita.

Sinasabing nagkaroon ng argumento ang suspek at ang dalaga at nang umuwi na ang ibang mga bisita at nakatulog ang ama nito dahil sa kalasingan, sinalakay ng lasing ding suspek ang biktima.

Hiniling na isalang sa medico legal examination ang labi ng biktima para mapagtibay ang kasong isasampa laban sa suspek.

(JESSE KABEL RUIZ)

188

Related posts

Leave a Comment