DATING SENADOR SONNY OSMENA PUMANAW NA

PUMANAW na si dating Sen. John Henry “Sonny” Osmeña kahapon sa edad na 86 sa kanyang tirahan sa Cebu City.

Ang balita ay kinumpirma ng kapatid ng dating senador na si Annie Osmena-Aboitiz.

Hulyo ng nakaraang taon nang tamaan ng COVID-19 ang dating senador ngunit nakarekober din umano ito.

Si Osmeña, kinilala bilang Ten Outstanding Young Men noong 1970 at isa sa mga malubhang nasugatan sa Plaza Miranda bombing noong 1971 ay nagsilbi ring alkalde ng Toledo City, Cebu mula 2013 hanggang 2019.

Wala pang pahayag ang pamilya Osmeña kung ano ang ikinamatay ng dating senador.

91

Related posts

Leave a Comment