DAVAO COURT NAGLABAS NA NG ARREST WARRANT VS QUIBOLOY

IKINATUWA sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang arrest warrant na inilabas ng Davao Regional Trial Court laban kay Kingdom of Jesus Christ founder Pastor Apollo Quiboloy sa kasong child abuse.

“We stand in solidarity with the victims and advocates seeking justice in this case. It is imperative that the legal process moves swiftly to ensure that those responsible for heinous crimes are held accountable and that justice is served,” ani ACT party-list Rep. France Castro.

Bukod kay Quiboloy, kasama sa ipinaaaresto ang mga kapwa nito akusado na sina Jackielyn Roy, Cresente Canada, Paulene Canada, Ingrid Canada at Sylvia Cemañes subalit maaaring magpiyansa ang mga ito.

Noong June 29, 2020 ay ibinasura ng Office of the City Prosecutor ng Davao ang nasabing kaso subalit kinatigan ng Department of Justice (DOJ) ang petition for review at kalaunan ay isinampa ang kaso na naging dahilan para isyuhan ng arrest warrant ang grupo ni Quiboloy.

“It is good that the original Joint Resolution dated 29 June 2020 by the Office of the City Prosecutor of Davao City, which dismissed the complaints for rape, qualified human trafficking, and child abuse, has been overturned by the DOJ,” ani Castro.

Ang Child Abuse case ay isinampa sa Davao RTC habang ang mas mabigat na kaso tulad ng rape, qualified human trafficking na walang inaasahang piyansa ay isinampa ng DOJ sa Pasig City Regional Trial Court.

“Finally, the department is seeing the alleged crimes of Quiboloy in a new light, and we hope that it would act swiftly to deliver justice to Quiboloy’s victims,” dagdag pa ng mambabatas.

Umaasa si Castro na ngayon na nasa korte na ang kaso ni Quiboloy ay haharapin na niya ito tulad ng kanyang pangako na tanging sa Hudikatura siya haharap at hindi sa imbestigasyon ng Senado at Kamara.

(BERNARD TAGUINOD)

82

Related posts

Leave a Comment