TRABAHO SA SENIORS SUPORTADO NI NOGRALES

NAGPAHAYAG ng pagsuporta ang chairperson ng House of Representatives’ Labor and Employment Committee, at Rizal 4th District Rep. Fidel Nograles, sa panukalang batas na naglalayong paramihin ang mga trabaho para sa nakatatanda o senior citizens sa bansa.

Ang committee on ways and means, sa isang joint hearing kasama ng committee on senior citizens, ay inaprubahan kamakailan ang panukalang “Employment Opportunities for Senior Citizens and Private Entities Incentives Act.”

Ang nasabing pinagsama-samang mga panukala ay kaparehas ng mga hakbang na naghahanap ng mga paraan upang magbigay ng mas maraming oportunidad sa trabaho para sa senior citizens.

“The Employment Opportunities for Senior Citizens and Private Entities Incentives Act is a noble proposal that would help ensure the inclusion of the elderly,” ani Rep. Nograles.

“As coping with daily living becomes more difficult, senior citizens are being compelled to work, but many of them are being turned away despite still having so much to offer,” dagdag pa niya.

Sa ilalim ng panukala, ang Department of Labor and Employment ay magtatatag ng isang sistema na tutugma sa senior citizens na magagamit na mga oportunidad sa trabaho.

Isinasaad din dito ang pagbibigay sa mga pribadong kumpanya na tumanggap ng senior citizens para sa anim na buwang trabaho, ng 25 percent tax deduction mula sa kanilang gross revenue para sa kabuuang halagang binayaran sa salary, wages, benefits at trainings.

Kasabay nito, hinikayat ni Nograles ang employers na huwag lamang pagbasehan ang edad, kasarian at pisikal na kakayahan ng kanilang mga nais kuning manggagawa.

“Hindi dapat maging hadlang ang edad, kasarian, at pisikal na abilidad. I hope that our employers will see beyond these distinctions and instead focus on merit and capability of job applicants,” pahayag pa ng mambabatas.

(JOEL O. AMONGO)

332

Related posts

Leave a Comment