‘FIXER’ SA LTO ITINUMBA

NASAWI ang umano’y fixer sa sangay ng Land Transportation Office (LTO) matapos pagbabarilin ng anim na lalaki sa Areza Compound, Brgy. Canlalay, Biñan City, Laguna nitong Lunes ng hapon.
Tadtad ng tama ng bala ang biktimang si Nelson Areza, kapatid umano ng kilalang negosyante sa lalawigan.

Base sa kuha ng CCTV footages, bandang ala-1:50 ng hapon nitong Lunes nang lapitan ang biktima ng tatlong armadong kalalakihan na sakay ng tatlong motorsiklo at pinagbabaril.
Isinugod pa si Arreza sa Ospital ng Binan ngunit hindi na ito naisalba.

Patuloy pa ang malalimang imbestigasyon ng pulisya upang matukoy ang motibo sa krimen at ang pagkakakilanlan ng mga salarin. (CYRILL QUILO)

50

Related posts

Leave a Comment