ISA PANG CESSNA PLANE NAWAWALA SA BICOL

KINUMPIRMA ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na isang Cessna plane ang panibagong iniulat na nawawala kaninang umaga.

Ayon sa CAAP, ang six seater Cessna plane na may tail number RP- C2080 ay nag-take off sa Bicol International Airport sa Daraga City, Albay alas-6:43 ng umaga.

Nawalan na ito ng contact habang nasa tapat ng Camalig, Albay ilang minuto matapos mag-take off.

Nakatakda sana itong dumating sa Maynila bandang alas-7:53 ng umaga subalit bigong makarating.

May lulan itong 4 katao na kinabibilangan ng 2 piloto at 2 pasahero.

Inaalam pa ng mga awtoridad kung ano ang nangyari sa eroplano. (NILOU DEL CARMEN)

260

Related posts

Leave a Comment