LALAKI SINAKYOD SA TAGILIRAN, PATAY

NAMATAY habang inoobserbahan sa Mary Johnston Medical Center ang isang 39-anyos na lalaki makaraang saksakin ng dalawang beses ng kanyang kaaway sa Tondo, Manila, noong Biyernes ng madaling araw.

Ayon sa ulat, dakong alas-6:30 nang umaga nang malagutan ng hininga sa ospital ang biktimang si Laudener Depano, ng Barangay 118, Tondo.

Swak naman sa selda ang itinuturong suspek na kinilalang si Juanito

Retuya, 56, makaraang madakip sa manhunt operation ng mga tauhan ni Police Lieutenant Colonel Wilfredo Fabros Jr., commander ng Manila Police District- Raxabago Police Station 1.

Ayon sa salaysay ng anak ng biktima na si Laurence, 19, lumabas ng bahay ang kanyang ama kasama ang isa nitong kapatid upang magpunta sa isang maliit na tindahan ng ina.

Sa puntong ito, sumabay umano ang suspek at nakipagtalo sa biktima hanggang sa magbunot ng patalim ang una at sinakyod ng dalawang beses sa tagiliran si Depano.

(RENE CRISOSTOMO)

83

Related posts

Leave a Comment