LANDSLIDES SA DAVAO BUBUSISIIN SA SENADO

IGINIIT ni Senador Loren Legarda ang pangangailangang maimbestigahan ng Senado ang landslides sa bayan ng Maco sa Davao de Oro na ikinasawi ng mahigit limampung indibidwal.

Sinabi ni Legarda na dapat mabusisi kung ano ang mga naging problema, pagkukulang at kapabayaan sa nangyaring trahedya.

Ito ay upang maiwasang maulit ang pangyayari na labis na nakakaapekto sa buhay at kabuhayan ng marami nating kababayan.

Posibleng si Legarda mismo ang maghain ng resolusyon para sa pagdinig sa insidente sa gitna ng kanyang paniniwala na may kapabayaan sa mga kinauukulang ahensya ng gobyerno.

Ipinaalala ng senador na naideklara nang no build zone ang lugar dahil lumabas sa geohazard mapping na prone ito sa landslide dahil may nagmimina subalit nagtataka siya kung bakit may mga kabahayan sa lugar.

(DANG SAMSON-GARCIA)

76

Related posts

Leave a Comment