LEGENDARY TATTOO ARTIST APO WHANG-OD, PINASAKAY NG CHOPPER PARA MAKITA SI PBBM

SA isang makasaysayang pagkakataon, isinakay ng Philippine Air Force sa kanilang PAF Blackhawk Helicopter si Apo Whang-Od, ang legendary tattoo artist ng Pilipinas, para makaharap si President Ferdinand Marcos Jr. sa Malacañang.

Ayon kay Col. Ma Consuelo Castillo, ang tagapagsalita ng Hukbong Himpapawid, sa pamamagitan ng kanilang 205th Tactical Helicopter Wing, sinundo nila sa kabundukan si Apo Whang-Od, ang 105-anyos na Kalinga tattoo master, at mula sa Buscalan, Kalinga, ay dinala ito sa Malacañang.

Matapos na makipagkita kay Pangulong Marcos ay muli siyang inihatid ng Air Force chopper pabalik sa kanilang village.

Sa pakikipagkita kay PBBM, ginawaran si Apo Whang-Od ng pagkilala ni Pangulong Marcos dahil sa hindi mapapantayang dedikasyon ng ethnic tattoo artist para mapanatiling buhay ang traditional Filipino tattoo culture.

“The Philippine Air Force takes pride in being part of this historical milestone of giving tribute to a legendary Filipino artist,” ani Col. Castillo.

(JESSE KABEL RUIZ)

97

Related posts

Leave a Comment