LIDER NG TRANSGENDER KFR GROUP, NADAKIP

NADAKIP ng mga tauhan ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang lider at isang kasapi ng notoryus na Warla kidnapping group sa Brgy. Tetuan, Zamboanga City sa inilunsad na law enforcement operation.

Sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng korte dahil sa kasong kidnapping for ransom with serious illegal detention, inaresto ng mga tauhan ng CIDG Regional Field Unit 9, ang lider ng grupo na si alyas “Mikey” at kasamahan nitong si alyas “Nilben”.

Ayon sa report, sinasabing sangkot ang Warla KFRG sa kaso ng pagdukot sa mga foreign national kabilang ang isang Taiwanese national, sa kanilang mga huling biktima, na nasagip ng mga pulis noong Setyembre 2022 sa Parañaque, na nagresulta naman sa pagkakaaresto sa limang miyembro ng naturang grupo.

Ayon sa CIDG, ang Warla group ay binubuo ng magagandang transgender woman na nag-ooperate sa Southern part ng Metro Manila na nandudukot ng kanilang nakaka-date na kadalasan ay mga empleyado ng POGO at mga negosyante.

Dito ay hinihingan umano ng mga suspek ng pera ang pamilya at kaibigan ng mga biktima kapalit ng kalayaan ng mga ito na ginagamit naman nila sa kanilang sex reassignment surgery o “sex change”. (JESSE KABEL RUIZ)

76

Related posts

Leave a Comment