US AT PHILIPPINE AIR FORCE LALAHOK SA COPE THUNDER AIR EXERCISES

NAKATAKDANG lumahok ang Hukbong Panghimpapawid ng Pilipinas at Estados Unidos sa ikalawang iteration ng Cope Thunder air exercises sa Hunyo 17 hanggang Hunyo 28, 2024.

Ayon kay Philippine Air Force Spokesperson, Col. Ma. Consuelo Castillo, inaasahang malaking bilang ng kanilang air assets at mga kagamitan ang gagamitin sa pagsasanay na ito bukod pa sa malaking deployment ng mga tauhan ng kanilang hukbo.

Inaasahan din ang malakihang pagsasanay sa himpapawid na ngayon pa lamang ay pinaghahandaan na ng hukbo dahil bukod sa Cope Thunder  sa  kauna-unahang pagkakataon, ay magpapartisipa ang  Royal Australian Air Force sa “Pitch Black” exercise, kung saan nakatakdang aktwal na lumahok ang mga fighter plane ng  PAF.

Ang “Pitch Black” exercise naman ay nakatakdang isagawa sa Hulyo 12 hanggang Agosto 2, 2024 na lalahukan naman ng mga tauhan at aircraft ng mga Hukbong Panghimpapawid ng iba’t ibang mga bansa. (JESSE KABEL RUIZ)

104

Related posts

Leave a Comment