LOCAL RESPONSE VS COVID-19 PINALALAKAS

0

TINIYAK ng Malakanyang sa publiko na pinalalakas at pinaiigting na ng gobyerno ang local response laban sa COVID-19 makaraang ideklarang variant of concern ang Omicron.

Sinabi ni acting Presidential spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles, kabilang sa mga ginagawang hakbang ng pamahalaan ang pagbibigay kautusan sa mga local government unit o LGUs na palakasin pa ang kanilang mga paghahanda at pagsasagawa ng clustering ng mga kaso ng virus.

Mahalaga rin aniyang mas mapalawak pa ng mga ito ang kanilang active case finding sa pamamagitan ng pagsasagawa ng agarang contact tracing at isolation ng mga kaso na namataan sa surveillance cases sa loob ng isang komunidad kabilang na ang mga domestic and international travellers.

Dapat din aniyang RT-PCR test ang gamitin sa mga pagsusuri para agad maisailalim sa genome sequencing ng Phil. Genome Center ang makokolektang samples. (CHRISTIAN DALE)

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment