LPA NAISPATAN SA PALAWAN; LUZON AT VISAYAS UULANIN

0

NAISPATAN ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang isang low-pressure area (LPA) sa Palawan at inaasahang maghahatid ito ng mga pag-ulan sa ilang bahagi ng Luzon at Visayas.

Sa weather bulletin ng PAGASA kahapon, ang LPA ay huling namataan sa layong 205 kilometro ng West Northwest ng Puerto Princesa City, Palawan (10.6°N, 117.1°E).

Ayon sa PAGASA, ang naturang ‘weather disturbance’ ay maaaring maging isang ‘tropical depression’ sa loob ng 36 na oras habang ito’y kumikilos pakanluran at papalabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) sa pagitan kahapon ng gabi hanggang ngayong umaga.

“In the next 24 hours, moderate to heavy with at times intense rains are highly likely over Palawan, Aurora, Quezon, Camarines Provinces, and Catanduanes,” ayon sa state weather bureau.

Inaasahan rin ang pagkakaroon ng magaan at katamtaman na may manaka-nakang malalakas na pag-ulan sa Metro Manila, Cagayan Valley, Eastern Visayas, Caraga, at natitira pang bahagi ng Central Luzon, CALABARZON, MIMAROPA, at Bicol Region.

Sa ganitong kondisyon, sinabi ng PAGASA na posibleng magkaroon ng isolated rainshowers, pagbaha, at mga pagguho ng lupa dulot ng mga pag-ulan, partikular na sa mga lugar na highly-susceptible sa mga ganitong panganib.

Pinapayuhan ang publiko ng disaster risk reduction and management offices na magsagawa ng kaukulang hakbang at magbantay sa mga susunod pang update hinggil sa naturang sama ng panahon. (LILY REYES)

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment