NAINGAYAN SA VIDEOKE, TSERMAN NAMARIL

CAVITE – Pinaghahanap ng Cavite police ang isang barangay chairman na inireklamo ng isang negosyante matapos siyang tutukan at magpaputok ng baril dahil naingayan umano sa lakas ng videoke sa bayan ng Rosario sa lalawigang ito, noong Huwebes ng gabi.

Kinilala ang suspek na si Barangay Chairman Ernesto V. Cupino Jr., ng Brgy. Silangan 1, Rosario, Cavite, inireklamo ng biktimang si John Dale Arcita y Lizarda, 32, binata, negosyante, ng nasabi ring barangay.

Ayon sa reklamo ng biktima kay Police Corporal Ricardo Mendoza ng Rosario Police Station, nag-iinuman sila ng kanyang kaibigan habang nagkakantahan sa kanilang bahay dakong alas-7:00 ng gabi kamakalawa nang umano’y sugurin sila ng suspek na nagalit sa lakas ng kanilang videoke.

Paglabas umano ng biktima, nagbunot ang ng baril ang suspek at tinutukan ito saka nagpaputok ng tatlong beses sa ere gamit ang isang kalibre 9mm.

Narekober ng mga awtoridad sa lugar ang isang basyo ng bala habang ang dalawang basyo ang itinurn-over ng biktima sa pulisya.

(SIGFRED ADSUARA)

84

Related posts

Leave a Comment