NEGOSYANTE ARESTADO SA TALBOG NA TSEKE

ARESTADO ang isang negosyante sa kasong 2 counts ng Batas Pambansa (BP) Blg. 22 o Bouncing Checks Law makaraang maispatan sa loob ng Makati City Hall ng mga operatiba ng Manila Police District – Sampaloc Police Station 4, Biyernes ng umaga.

Kinilala lamang ang suspek sa pangalang ‘Evelyn’, 58-anyos, ng Malinta, Valenzuela City at dati umanong lokal na opisyal sa lungsod na Valenzuela.

Sa ulat ni Police Lieutenant Colonel Wilson Villaruel, Station Commander ng Station 4, alas-10:30 ng umaga nang maaresto ang negosyante sa Makati City Hall.

Sa tulong ng impormante, ang suspek ay natunton ng pulisya sa pangunguna ni Police Executive Master Sergeant Luis Coderes ng Intelligence and Warrant  Station.

Bitbit ng mga pulis ang arrest warrant na inisyu ni Hon. George Andy Pantanosas, Acting Presiding Judge MTCC, Fourth Judicial Region, Branch 1 ng Antipolo City na may petsang September 6, 2022.

Naglaan naman ang korte ng piyansang tig P13,000.00 bawat kaso para sa pansamantalang kalayaan ni ‘Evelyn’.

Dahil na rin sa pinaiiral na programa ni MPD-Director Police BGen. Andre Perez (The Game Changer) Dizon na Oplan galugad at Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operation (SACLEO), mabilis ang pagtalima ng mga miyembro ng Sampaloc Police Station 4. (RENE CRISOSTOMO)

644

Related posts

Leave a Comment