NEGOSYANTE NABITAG SA ATTEMPTED MURDER

NADAKIP ang isang 30-anyos na negosyante na wanted sa kasong attempted murder, sa parking area ng isang mall sa Lungsod ng Maynila.

Kinilala ang suspek na si alyas “Indong”, residente ng Sampaloc, Manila.

Base sa ulat na isinumite ni Police Lieutenant Celso Sorita Jr., kay Police Major Rommel Purisima, hepe ng District Intelligence Division II, Special Mayor’s Reaction Team (SMaRT), bandang alas-l0:30 ng umaga nang maaresto ang suspek sa naturang lugar, sa bisa ng warrant of arrest na isinilbi ni Police Executive Master Sergeant Dedimo Alviar.

Si alyas “Indong” ay itinuring na most wanted person sa district level.

(RENE CRISOSTOMO)

208

Related posts

Leave a Comment