JAPANESE NATIONAL NA MAY PEKENG SRRV, HULI

ISANG Japanese national na tangkang lumabas ng bansa, na may pekeng Special Resident Retiree’s Visa (SRRV), ang nasabat ng mga ahente ng Bureau of Immigration (BI).

Kinilala ang Japanese national na si Yoshiaki Nakamura, 64, na tinangkang sumakay ng Philippine Airlines patungong Osaka noong Nobyembre 19.

Ayon kay BI Commissioner Norman Tansingco, sumailalim sa secondary inspection si Nakamura dahil sa pagkakaroon nito ng pekeng visa.

Natuklasang peke ang tatak sa kanyang SRRV nang suriin sa forensic document laboratory ang kanyang visa.

Nakadetine na sa Warden facility ang naarestong dayuhan.

(JOCELYN DOMENDEN)

408

Related posts

Leave a Comment