PASOK SA GOBYERNO SA ABRIL 5 HALF DAY LANG

INANUNSYO ng Malakanyang na suspendido na ang trabaho sa government offices pagsapit ng alas-12 ng tanghali sa Abril 5, 2023 upang bigyan ng sapat na oras at panahon ang mga empleyado ng gobyerno na bumiyahe, papunta sa o pauwi mula sa iba’t  ibang rehiyon sa bansa.

Ito’y bilang pagtalima na rin sa regular holidays sa Abril 6 hanggang 7, 2023 kaugnay sa paggunita sa Mahal na Araw.

Ang Mahal na Araw ay ang panahon ng paggunita at pagbabalik-loob ng mga Kristiyanong Pilipino sa tagapagligtas na kumakatawan kay Hesukristo.

Ang Memorandum Circular No. 16 na inilabas ngayong Biyernes ay pirmado ni Executive Secretary Lucas P. Bersamin.

Gayunman, ang mga ahensiya na ang tungkulin ay may kinalaman sa paghahatid ng “basic at health services, preparedness/ response to disasters and calamities, and/or the performance  of other vital services shall continue with their operations and render the necessary services,” nakasaad din sa memo.

Ipinauubaya naman ng Malakanyang sa mga employer ang suspensyon ng trabaho sa mga pribadong kompanya. (CHRISTIAN DALE)

190

Related posts

Leave a Comment