PDEA LEAKS PROBE ‘DEAD IN THE WATER’ – MANILA SOLONS

INIHAYAG ng dalawang kongresista ng Maynila na hindi lulusot sa House of Representatives (HOR) ang imbestigasyon sa tinaguriang PDEA leaks.

Sinabi nina Congressmen Ernix Dionisio (1st District) at Irwin Tieng (5th District) sa ‘MACHRA Balitaan’ forum ng Manila City Hall Reporters’ Association (MACHRA), ang nasabing probe ay dapat nang ipatigil dahil wala naman itong mahalagang napatunayan para sabihing ‘in aid of any legislation’.

Ayon kay Dionisio, assistant majority leader sa HOR, nakapapagod na ang isyu at hindi na kailangan pa ng Congress na magsagawa ng sarili nitong imbestigasyon.

“I don’t think it should continue… it’s enough if the issue can no longer be expounded. Nakita na natin ang mga kakulangan,” pahayag nito

Katulad din ng pagtutol ni Dionisio, sinabi naman ni Tieng na ang hiwalay na imbestigasyon ng Kongreso ay ‘redundancy’ na.

“It is unnecessary at this point,” pahayag ni Tieng at sinabing marami pang mas mahahalagang usapin na dapat talakayin ng liderato ng Kamara.

Sa kabilang banda, pinuri naman nina Dionisio at Tieng ang inquiry na ginagawa ng Senado sa kaso ni Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo, at sinabing nakagugulat ang mga rebelasyon na natuklasan.

Binigyang diin ni Dionisio na ang pagkakaroon ng POGO operations sa lugar ni Mayor Guo ay maliwanag na senyales na bigo ito na gampanan ang tungkulin bilang punong ehekutibo ng kanyang bayan.

Sa bahagi naman ni Tieng, sinabi nito na hihintayin na lamang niya ang katapusan ng imbestigasyon at sinabi pa na siya man ay curious sa kung ano ang kalalabasan nito. (JESSE KABEL RUIZ)

107

Related posts

Leave a Comment