DROGA, BARIL NASABAT SA 3 TULAK

CAVITE – Umabot sa mahigit P200,000 halaga ng umano’y shabu at tatlong unit ng .38 kalibreng baril ang nasamsam sa tatlong hinihinalang tulak ng ilegal na droga sa isinagawang buy-bust operation sa Dasmariñas City nitong Miyerkoles ng madaling araw.

Nasa kustodiya na ng Bacoor City Police ang mga suspek na sina alyas “Boss”, “Joel” at “Riche”, pawang nasa listahan ng High Value Individuals ng pulisya, residente ng Brgy. Molino 2, Bacoor City, Cavite.

Ayon sa ulat, bandang alas-2:00 ng madaling araw, nagsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Team (SDET) ng Bacoor CPS sa Brgy. Molino 2, Bacoor City na nagresulta sa pagkakaaresto sa tatlong indibidwal.

Nakuha sa mga suspek ang limang piraso ng sachet ng umano’y shabu na tumitimbang ng 39 gramo at may market value na P265,200, at tatlong unit ng .38 kalibreng baril mula kay Joel.(SIGFRED ADSUARA)

116

Related posts

Leave a Comment