RAPE SUSPECT NASILO SA NAIA

NASABAT ng mga operatiba ng Manila Police District-Meisic Police Station 11, ang isang binata na wanted sa 3 counts ng statutory rape, nang mamataan sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 2 sa Pasay City noong Martes ng gabi.

Walang inirekomendang piyansa ang korte para sa suspek na si alyas “Danloyd”, residente ng Malabon City.

Ayon sa ulat ni Police Lieutenant Colonel Roberto Mupas, station commander, bandang alas-10:15 ng gabi nang inguso ng isang impormante ang suspek habang papalabas ito ng bansa.

Agad na nagsagawa ng “Oplan Galugad” ang mga miyembro ng Warrant and Subpoena Section ng naturang presinto at dinampot ang suspek.

(RENE CRISOSTOMO)

57

Related posts

Leave a Comment