ROMUALDEZ UMANGAT TRUST, SATISFACTION RATINGS SA TANGERE SURVEY

TANGING si Speaker Ferdinand Martin Romualdez sa mga pinakamataas na opisyal ng bansa ang nagkaroon ng pagtaas sa trust at satisfaction ratings, batay sa resulta ng survey ng Tangere.

Sa survey ng Tangere noong nakaraang buwan, nakapagtala si Speaker Romualdez ng 52 porsyentong pagtaas sa trust rating mula sa 51 porsyento noong Pebrero.

Ang satisfaction rating naman ng lider ng Kamara ay nakapagtala ng 41 porsyentong satisfaction rating, tumaas ng isang porsyento kumpara sa survey noong Pebrero.

Nakakuha ng pinakamataas na rating si Speaker Romualdez sa Visayas region sa parehong trust at satisfaction ratings.

Kinuha sa survey ang opinyon ng 2,000 respondents. Mayroon itong margin of error na +/- 2.2 porsyento at confidence level na 95 porsyento.

Sa kaparehong survey, nakakuha si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ng 54 porsyentong trust rating at 41 porsyentong satisfaction rating samantalang si Vice President Sara Duterte ay nakapagtala ng 64 porsyentong trust rating, bumaba ng 4 porsyento, at 54 porsyentong satisfaction rating, bumaba ng 54 porsyento.

32

Related posts

Leave a Comment