Sa kabila ng iniutos na refund MERALCO WALANG OVERCHARGING

BINIGYANG-diin ng  Energy Regulatory Commission na walang overcharging na nagawa ang Manila Electric Company (MERALCO) kasunod ng kautusang ibalik nito ang labis na singil na nakuha mula sa kanilang customers.

Sa Laging Handa briefing, sinabi ni ERC Chairperson Agnes Devanadera na hindi naman overcharging ang nangyari at sa halip ay  diperensya lamang sa kanilang naging projection noon  at base sa aktuwal na pinagbabayaran ng MERALCO.

Aniya, kadalasan talaga  ay nagkakaroon  ng diperensya at wala aniyang mali ukol dito.

Tinatayang, aabot sa 21.769 billion pesos ang iniutos ng ERC  na i-refund sa mga customer nito partikular dulot ng overcollection mula July 2015 hanggang June 2022.

Base sa 68-page ERC order na may petsang June 16, 2022, kailangang mag-reflect na sa July billing ng mga customer ang refund. (CHRISTIAN DALE)

67

Related posts

Leave a Comment