Blue Ribbon comm. ibinigay kay Tolentino CAYETANO TABLADO

KINUMPIRMA ni Senador Migz Zubiri na nagdesisyon na ang supermajority ng Senado na ibigay kay Senador Francis Tolentino ang pamumuno sa Senate Blue Ribbon Committee.

Matatandaang naging kondisyon ni Senador Alan Peter Cayetano ang paghawak sa naturang kumite bago sumanib sa majority bloc ng Senado.

“Eh ‘yan ang gusto ng majority bloc, they prefer it to be amongst the members of the supermajority. That’s how it is,” pahayag ni Zubiri.

Sinabi ni Zubiri na magiging pormal ang chairmanship ng mga komite sa pamamagitan ng eleksyon sa pagbubukas ng sesyon.

“It’s not about really what you want. It’s about what the body wants kasi elected namin yan e. All Senate [committee] chairmen will be elected on the floor,” diin ni Zubiri.

“Kung may ilalagay po ako na chairman d’yan na ayaw naman ng grupo e di rin magiging chairman ng committee. So I have to accede to what the group wants,” dagdag pa niya.

Plantsado na rin ang chairmanship sa iba pang kumite at maging ang liderato ng Senado para sa 19th Congress.

Kinumpirma ni Zubiri na magkakaroon ng dalawang deputy majority leaders na ang isa ay si Senador JV Ejercito makaraang tutulan ng mga senador ang pagkakaroon ng Deputy Senate President Pro Tempore.

Una nang inanunsyo na si Senador Joel Villanueva ang tatayong Senate Majority Leader.

Sa committee chairmanship, pinakamarami kumite ang mapupunta kay Sen. Imee Marcos na posibleng manguna sa apat na komite na Foreign Relations, Social Justice, Cooperatives at Electoral Reforms.(DANG SAMSON-GARCIA)

54

Related posts

Leave a Comment