SHORT LIST NG NEXT AFP CHIEF OF STAFF, HAWAK NA NI DIGONG

NASA tanggapan na ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang listahan ng mga posibleng mahirang na bagong AFP chief of staff.

Kaugnay ito sa nakatakdang pagreretiro ni AFP chief General Gilbert Gapay sa unang linggo ng Pebrero.

Inihayag ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na kanya nang naisumite kay Pangulong Duterte ang listahan.

Magreretiro na sa darating na Pebrero 4 si Gapay, miyembro ng Philippine Military Academy Class 1986 na itinalaga bilang ika-54 na pinuno ng hukbong sandatahan noong Hulyo ng nakalipas na taon.

Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, posibleng ngayong linggo ay malalaman na kung sino ang susunod na hihirangin bilang Chairman of the Joint Chiefs of the Armed Forces of the Philippines.

Kabilang sa mga matunog na kapalit ni Gen. Gapay sina Army chief Lt. Gen. Cirilito Sobejana, Navy chief Vice Admiral Giovanni Carlo Bacordo, Northern Luzon Command chief Lt. Gen. Arnulfo Burgos; Air Force chief Lt. Gen. Allen Paredes, at Southern Luzon Command chief Lt. Gen. Antonio Parlade. (JESSE KABEL)

65

Related posts

Leave a Comment