HIGIT 1.5M BATA TARGET NG BAKUNA SA CALABARZON

TARGET ng Department of Health (DOH) – CALABARZON (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon) ang mahigit 1.5 milyong mga bata sa rehiyon na mabakunahan sa isasagawang “Measles-Rubella and Oral Polio Vaccine Supplemental Immunization Activity” (MR OPV SIA) Phase 2 Campaign mula Pebrero 1-28, 2021.

Sa probinsiya ng Batangas, target ng Regional office ang 290,588 bata; 380,067 sa probinsya ng Cavite; 306,619 sa Laguna; 236,913 sa Quezon, at 310,140 sa Rizal o kabuuang 1,524,327.

“The regional office, our LGU partners and the vaccination teams are ready to do their tasks and reach the target children including those in far-flung communities located in the mountains,” ayon kay Regional Director Eduardo C. Janairo.

“Mas madali natin ngayong mababakunahan ang mga bata dahil karamihan sa kanila ay nasa kani-kanilang mga bahay at bawal silang lumabas dala ng kasalukuyang pandemya. Kaya’t madali nating magagawa ang pagbabakuna laban sa polio at measles,” dagdag ni Janairo

Sinabi pa ni Janairo, magdadagdag ng karagdagang manpower sa bawat munisipalidad upang masiguro na makatatanggap ng bakuna ang lahat ng bata mula 0-59 na buwan.

“Sa mga magulang ng mga batang babakunahan, huwag po kayong mangamba at matakot sa ibibigay naming bakuna sa inyong mga anak dahil ito po ay ligtas at ito lang ang magbibigay ng proteksyon sa inyong mga anak laban sa tigdas at polio,” paliwanag pa ni Janairo

Isasagawa ang one-month phase 2 vaccination campaign na isasabay sa nationwide launching activity sa Enero 29, 2021 sa General Trias City, Cavite. (SIGFRED ADSUARA)

106

Related posts

Leave a Comment