SIMBAHAN, AWTORIDAD NASISI SA PATAYAN SA NEGROS ORIENTAL

Lumalabas na naging pabaya at sinisi rin ang mga lider ng simbahan at awtoridad sa nagaganap na patayan sa Negros Oriental sa mga nakalipas na panahon.

Sa Balitaan sa Tinapayan sa Maynila, napag-usapan sa pagitan ng mga panelist na sina Atty. Ariel Jawid, John Rena, Director ng VACC at Manila Police District Publi Information Officer Major Philipp Ines ang kaso ng 50 katao na biktima ng pamamaslang sa Negros Oriental.

Ayon kay Atty. Jawid, ang suggestion niya at panawagan niya sa mga obispo o bishops, lahat ng arch bishops, mga ministro, pastors na dapat makialam sila.

“Kapag hindi mo ginawa ang mabuti, gumawa ka ng kasalanan, nanood ka lang sa harapan ng injustice, nanonood ka lang, nagmimiron ka lang wala kang ginagawa ni hindi ka kumikibo, ‘di ba? Kasi natakot ka, yung hayaan muna na lang sila baka madamay ka,” ani Atty. Jawid.

“Ayon kasalanan yun, ngayon yung mga obispo na masasabi mga minamahal na parukyano o baguhin natin, obligasyon ba yun ng obispo? Oo, at lahat ng mga lider ng mga relihiyon, upang ituro sa kanilang taga-suporta, mga alagad, okey, mga taga-sunod, okey sumunod kayo at kung nakakita kayo ng kamalian na ginagawa ng mga tao, isumbong ninyo sa PNP, isumbong ninyo dito sa simbahan, isumbong ninyo sa CBCP, isumbong ninyo sa media, hindi lang naman yung pulis, hindi lang yun trabaho ng DOJ, nakuha nyo? Yun ay trabaho natin lahat, lahat tayo walang exempted sa atin,” dagdag pa ni Atty. Jawid.

Kasabay nito, natanong din si Atty. Jawid kaugnay sa DOJ sa pagpapataas ng standards prosecution ngayon sa without reasonable doubt at conviction rate sa mga korte, ayon sa kanya, ‘every person presume to be innocent unless proven otherwise’.

“Ako bilang abogado, kailangan liwanagin muna natin ah, medyo mali yung perception ng Kagawaran ng Katarungan ay reasonable, without reasonable doubt mali yan siya, bakit kasi yung proof of beyond reasonable doubt, husgado lang yun, okey mayroon yang Department Order, ayoko nang gawing idetalye kasi kung baga parang maglelecture na ako sa remedial law, okey lang naman kung forum ‘to ng law students,” pahayag pa niya.

“Ganito yan kasimple ang lamang lang ng Department Order ay reasonable certainty, yung reasonable certainty ay hindi binabago, yung requirement sa premininary investigations, ang tawag dun ay ‘probable cause’ hindi ho binabago yung requirement,” paliwanag pa ni Atty. Jawid sa nasabing prescon.

“Hindi, ang sinasabi lang kayong mga fiscal o prosecutors tingnan ninyo yung ebidensiya yung ebidensiya ba sapat ba pagka isinampa yan sa husgado ay may conviction ba?,” pagtatanong pa ni Jawid.

Nang sa gayun anya, ay hindi masasayang ang resources ng gobyerno kasi, pasintabi ‘wag magagalit may fiscal siyang mga kaibigan hindi naman lahat.
“May fiscal ang kanilang mindset ay i-file, yan porsecuturiol mindset okey, hindi lahat maraming kong kaibigang fiscal okey ini-evaluate talaga nila, ito bang ebidensiya to sapat para mapapreso itong tao o itong respondent, ayon therefore nananatili pa rin sa mga alintuntunin na ano, ‘every person is what presume to be innocent unless proven otherwise’, malinaw yun,” pahabol pa ni Atty. Jawid.

Idinagdag pa niya, anong nagsasabi? Saligang Batas, okey..the fundamental law of the land walang pwedeng magbago noon kasi pag binago na yun wala na tayong pag-asa, yung kailangan natin pag-asa.

“Mukha ba siyang guilty? Sapat ba yun na mukhang guilty? Mapepreso ka ba kung mukha kang guilty? Ebidensiya, di ba? Babatay lamang tayo sa ebidensiya, hindi ito haka-haka, hindi ito agenda hindi ito pananaw, kasi pagka naging pananaw ay marami nang guilty, pasensiya na po ha, kaya gusto ko lang dagdagan ang sinabi ni John at ni Major Ines ang VACC lalo na nang nabubuhay pa si Ka Dante Jimenez,” pahabol pa ni Atty. Jawid.

Nauna rito, sinabi ni John Rena na ang sinasabing korapsyon, kung hindi gumagawa ng kanyang trabaho ang empleyado at opisyal ng gobyerno na tumatanggap ng kanyang suweldo ay matatawag na korapsyon yun.

Nauna rito, matatandaan sa isinagawang press conference sa isang restaurant sa Quezon City ni Atty. Ferdinand Topacio abogado ni Cong. Armie Teves ay pinuna niya ang pamunuan ng Department of Justice (DOJ) na bagamat walang kaso at hindi pa napapatunayan na may sala ang kanyang kliyenteng ay nagmistulang guilty na sa kanilang pananaw.
Maging sa kahilingan ng kampo ni Teves na payagan siya sa teleconferencing sa Kamara at sa Senado ay hindi siya pinagbigyan na makasama.
Napansin din ni Atty. Topacio na masyadong napagtutulungan ng ibat-ibang ahensya ng gobyerno ang kanyang kliyente (Cong. Teves). (Joel O.Amongo)

131

Related posts

Leave a Comment