TAIL-END NG COLD FRONT MAGPAPAULAN SA N. LUZON

pagasa12

MAGANDANG balita na sa susunod na tatlong araw ay walang namataang sama ng panahon na makaaapekto sa bansa, ayon sa Pagasa.

Ayon sa 4am weather update ng Pagasa, ang tail-end of a cold front pa rin ang magdadala ng mga pag-ulan sa Silangan ng Hilagang Luzon.

Dahil sa nasabing weather system, maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan, pagkulog at pagkidlat pa rin ang mararanasan sa Cagayan kasama ang Babuyan Islands, Isabela at Apayao.

Posible ang mga pagbaha at pagguho ng lupa sa kasagsagan ng putol-putol na malalakas na pag-ulan.

Northeast monsoon o Amihan naman ang magdadala ng maulap na kalangitan na may mahihinang pag-ulan sa Cordillera Administrative Region, Ilocos provinces, Northern Aurora at nalalabing bahagi ng Cagayan Valley.

Sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa, maalinsangang panahon ang mararanasan na may posibilidad ng mga panandaliang pag-ulan dulot ng localized thunderstorms.

Nakataas ang gale warning at ipinagbabawal ang paglalayag sa mga baybaying dagat ng:
– Batanes
– Cagayan
– Babuyan Islands
– Isabela
– Ilocos Norte
– Ilocos Sur
– La Union
– Pangasinan
– Zambales
– Bataan
– Quezon kasama ang Pollilo Islands
– Camarines Norte
– northern at eastern coast ng Camarines Sur
– Catanduanes

 

309

Related posts

Leave a Comment