Target na mayor nakaligtas ISA PATAY, ISA MALUBHA SA BIFF

NASAWI ang isang biktima at isa ang malubhang nasugatan sa pagpapasabog na hinihinalang kagagawan ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighter kahapon ng umaga sa lalawigan ng Maguindanao.

Nakilala ang nasawi na si Alberto “Panong” Delos Santos habang sugatan ang kanyang hindi pa nakilalang angkas. Ang mga ito ay residente ng Barangay Purikay, Lebak, Sultan Kudarat.

Pinaghahanap na ng mga tauhan ni Joint Task Force Central Commander Major General Juvymax R. Uy ang mga responsable na pinaniniwalaang miyembro ng BIFF group.

Sa pagsisiyasat ng 57th Infantry “Masikap” Battalion at South Upi Municipal Police Station, naganap ang roadside bombing malapit sa isang tower ng telecommunication company sa Timanan Public Market, Brgy. Romongaob, South Upi.

Nagkataon naman na dumaan ang dalawa na lulan ng motorsiklo kaya tinamaan ang mga ito sa pagsabog.

“We condemn the incident, we found out that the bomb was a signature made by the Daesh inspired group BIFF. They targeted the town’s local chief executive Mayor Reynalbert Insular. Mayor

Insular would have gone through the area to go to Barangay Kuya for the settlement of a problem in the said Barangay but did not pursue due to the incident,” ani Maj. Gen. Uy kung saan may nadiskubre pang secondary bomb malapit sa blast site.

Sa ngayon ay nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng South Upi PNP. (JESSE KABEL)

39

Related posts

Leave a Comment