TENSYON SA WPS MAGAGATUNGAN SA $2.5-B NG US SA AFP

IMBES ikatuwa, tila ikinabahala pa ng isang militanteng mambabatas ang $2.5 bilyong pondo na ipagkakaloob ng United States (US) sa Armed Forces of the Philippines (AFP) para sa pagpapalakas ng depensa ng Pilipinas laban sa China.

Para kay Gabriela Party-list Rep. Arlene Brosas, posibleng magsilbing mitsa ito para lalong uminit ang tensyon sa West Philippine Sea (WPS).

Sinimulan na umano ng US Senate ang pagtalakay sa panukalang batas na inakda nina Republican Senator Bill Hagerty ng Republican at Sen. Democrat Tim Kaine ng Democrat para sa paglalaan ng US $2.5 billion para sa modernisasyon ng AFP sa loob ng 5 taon.

Nangangahulugan na bawat taon ay makatatanggap ang Pilipinas ng US$500 million Foreign Military Financing (FMF) grant assistance mula ngayong 2024 hanggang 2029.

“The proposed legislation reflects a dangerous escalation in the U.S.’s aggressive stance towards China, exacerbating tensions and conflict in the region. This will further undermine Philippine sovereignty and endanger civilian lives,” ani Brosas.

(BERNARD TAGUINOD)

96

Related posts

Leave a Comment