TULAK NABITAG SA P108K SHABU

NABITAG ng mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Manila Police District ang isang 36-anyos na residente ng Vista Verde Subdivision, Bacoor, Cavite sa ikinasang buy-bust operation sa Barangay 283, Zone 26, Binondo, Manila noong Sabado ng madaling araw

Kinilala ang suspek na si “Bossing “, jobless, residente ng naturang lugar.

Base sa ulat na isinumite ni Police Major Bernardino Venturina kay ni Police Lieutenant Colonel Roberto Mupas, commander ng MPD- Meisic Police Station 11, bandang alas-4:45 ng madaling araw nang makatanggap ng report ang Station Tactical Operation Center (STOC) hinggil sa bentahan ng ilegal na droga .

Dakong 5:31 ng madaling araw ay ikinasa ang buy-bust operation na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek.

Nakumpiska mula sa suspek ang 6 na bulto ng hinihinalang shabu na katumbas ng P108,800 ang halaga.

Ang suspek ay sinampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002).

(RENE CRISOSTOMO)

96

Related posts

Leave a Comment