WALA PANG DELTA SUB-VARIANT SA PILIPINAS – DOH

0

TINIYAK ngayong sabado ng Department of Health (DOH) na wala pang natutukoy na ‘sub-variant’ ng Delta variant ng COVID-19 sa Pilipinas na pinangangambahan na mas nakahahawa makaraang matukoy ito sa United Kingdom at Estados Unidos.

“The biosurveillance activities of the country has been closely monitoring 46 sublineages of the Delta variant, and so far has not detected the AY.4.2 sublineage,” ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire.

Habang iniimbestigahan pa ang posibleng kapabilidad ng sub-variant na makapanghawa, tinatrato umano nila ngayon ng pantay at naaayos sa protocols ang lahat ng kaso kabilang ang ‘isolation’ ng mga pasyente at maagap na ‘contact tracing’.

Sinabi pa ni Vergeire na isang normal na pangyayari ang mutasyon sa mga virus bilang bahagi ng kanilang ebolusyon.

Iginiit ng DOH na ang pinakamabisang proteksyon pa rin ay ang pagsunod sa minimum health standards at protocols tulad ng palagiang pagsusuot ng face masks at physical distancing lalo na at nagbubukas na ang ekonomiya ng bansa. Importante rin na magpabakuna na ang lahat para may proteksyon laban sa mga mutation ng COVID-19.

“Our proper adherence to the minimum public health standards is still our best protection and is the best way to curb the transmission, prevent the spread of the variants and slow down the appearance of mutations,” giit pa ni Vergeire. (RENE CRISOSTOMO)

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment