FREE FUEL NOW NI REP. NOGRALES Para sa tricycle drivers ng Montalban

(JOEL O. AMONGO)

LABIS ang pasasalamat ng mga tricycle driver at iba pang mamamayan ng Montalban kay Congressman Fidel Nograles sa ipinamahagi nitong libreng gasolina kasabay ng kanyang kaarawan nitong ika-10 ng Agosto.

Naisipan ng kinatawan ng Rizal, 4th District na mamahagi ng libreng gasolina sa mga tricycle driver bilang tugon sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo.

Mismong si Nograles ang nagkarga ng gasolina sa mga benepisyaryong tricycle driver ng kanyang Free Fuel Now program noong Huwebes.

Tig-150 pesos halaga ng gasolina ang ikinarga sa 60 hanggang 77 tricycle mula sa Brgy. San Isidro, Brgy. San Jose, Brgy. Burgos at Brgy. Balite, Montalban, Rizal.

Katuwang ni Cong. Nograles sa kanyang libreng pagasolina sa mga miyembro ng Tricycle Operators Drivers Association (TODA) sa nasabing bayan ang mga gasoline station ng RePhil, Jade Blue, FilOil at USA 88.

Sa panayam ng SAKSI NGAYON sa ilang tricycle driver, sinabi nila na malaking tulong sa kanila ang libreng gasolina ni Cong. Nograles dahil madaragdagan ang kanilang maiuuwi o take home na kita sa araw na iyon.

Ayon pa sa isang tricycle driver, hindi lang ngayon ginawa ni Cong. Nograles ang pagtulong kundi maging noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic.

“Napakabait po ni Cong. Fidel Nograles kaya po tinalo niya ang dati naming congressman dahil mabait at matulungin siya sa amin,” dagdag pa niya.

Ikinatuwa naman ni Cong. Nograles ang mainit na pagbati at pagtanggap ng mga residente ng iba’t ibang barangay ng Montalban na dumalo sa kanyang kaarawan.

Kaugnay nito, nagpapasalamat din ang mga partner gasoline station sa programa ng mambabatas at masaya silang maging bahagi nito.

Ayon kay Ron Angeles, Retail Operations Manager ng USA 88 gasoline station, hindi sila magsasawa o bukas lagi ang kanilang pinto para maging bahagi ng programa ni Nograles.

175

Related posts

Leave a Comment