NOGRALES PABOR SA REINTEGRATION PROGRAM SA EX-REBELS

PINURI ni Rizal 4th District Rep. Fidel Nograles ang ginawang hakbang ng gobyerno na magbigay ng mga oportunidad sa trabaho sa dating mga rebelde na nagbabalik sa kani-kanilang mga komunidad.

“The livelihood and employment programs extended by the government to former rebels is important so that they could be productive members of the community,” ani Nograles, chairman ng House of Representatives’ Labor and Employment Committee.

Sinabi ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) kamakailan, nasa 10,000 dating mga rebelde ang nagbenepisyo mula sa Department of Labor and Employment’s “Tulong Panghanapbuhay Para sa ating Disadvantaged Workers” (TUPAD) program.

Sinabi pa Nograles, ang pagbibigay ng mga trabaho sa dating mga rebelde ay nagbibigay ng panibagong pag-asa sa kanila.

“Mahalaga ang mga trabahong ito dahil nabibigyan ng panibagong pag-asa ang mga dating rebelde na makakapamuhay nang marangal ang kanilang pamilya,” dagdag pa ng mambabatas.

Kaugnay nito, hinikayat ni Nograles ang gobyerno na ipagpatuloy ang pagbibigay ng suporta sa dating mga rebelde hanggang sa mahanap nila ang napananatiling kabuhayan.

“A stable means of livelihood would dissuade former rebels from returning to insurgency. Kailangang maipakita natin na mas maganda ang buhay na bahagi ng komunidad,” pahayag pa niya.

Kasabay nito, nagpahayag din ng pag-asa si Nograles na ang problema ng bansa sa insurhensiya ay mawawakasan.

“Ultimately, I believe that it isn’t physical force that will put an end to insurgency, but our collective effort to address its root causes. I am hopeful that with the government’s attempts to address poverty through job generation, education, health care, etc., we will see a new dawn of peace in our communities,” pahabol pa niya. (JOEL O. AMONGO)

84

Related posts

Leave a Comment