OCD CENTRAL OFFICE SA CAMP AGUINALDO NI-LOCKDOWN

ISINAILALIM sa lockdown ang tanggapan ng Office of the Civil Defense (OCD) sa loob ng Camp Aguinaldo sa Quezon City matapos magpositibo sa COVID-19 ang mahigit 100 tauhan.

As of 7pm Huwebes ng gabi, kinumpirma ni National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Spokesman Mark Timbal na nasa kabuuang 116 na tauhan ng OCD ang nagtataglay ng nakamamatay na virus infection.

Ayon kay Timbal, ang 116 na nagpositibo ay mula sa 218 na kanilang isinalang sa covid test makaraang unang magpositibo ang dalawa nilang tauhan.

Nasa 80 percent naman umano sa mahigit isandaang staff nila na may covid ang asymptomatic.

Mabilis na dinala ang mga nahawaan sa isolation facility.

Bilang pag iingat narin ay pansamantalang naka-lockdown ang OCD central office hanggang August 30.

Online na muna ang magiging transaksyon at ipatutupad ang work from home arrangement.

Samantala, hinihintay na lamang din ang resulta sa covid test ni OCD Chief Undersecretary Ricardo Jalad.(JGTumbado)

241

Related posts

Leave a Comment